Saturday, April 16, 2011

One text away

"Oy, pwede kayo ngayon? Tara."

"Ok go. Kita kits nalang."

Just one text. One text. One.

Wala ng tanong tanong kung sino sino ang makakapunta. Wala ng tanong tanong kung anong gagawin. Di na imporatante kung sino sino ang makakapunta. Di na importante kung ano ang gagawin. Basta pwede, go.

Kahit ba dalawa lang kami, ayos lang. No awkward and dull moments. Pagdating sa tagpuan, kahit ano na lang. Lakad... lakad. Kung saan man dalhin ang paa. Kwento... kwento. Hindi maubusan ng maikkwento. At kung may extrang pera, makakapag fishballs pa. Sila ang high school friends ko.

Naalala ko lang kaming dalawa lang ni Mulano. Pagdating sa Trinoma, pumunta kami sa food court at umupo lang dun at nagkwentuhan. Dalawang oras mahigit kaming nandon at salita lang ng salita. Dalawang oras lang, pagkatapos non umuwi na kami. Diba? Sobrang wala lang. Kailangan ko lang ng kasama at kausap, ganon na yon. Ang saya diba? Dalawang oras. Kung iisipin ko, sa ibang taong yayayain ko, malamang nagreklamo na yun dahil dalawang oras lang kaming magkasama. Dalawang oras lang kaming umupo sa food court. Tapos dalawa lang kami kasi gusto syempre maramihan kung gumala. Ganon lang yon. Ganon lang.

Di na imporatante kung sino sino ang makakapunta. Di na importante kung ano ang gagawin. Basta pwede, go.

No comments: